Saturday, September 18, 2010

Flashback: Younger Sentimental Me Part III

Lamok
Sa kadiliman ng silid,
mayroong isang lamok
na nagkamali'ng magpa-untog
sa palad ko.




Habang May Brownout
Nakahiga ako sa dilim
Sayad ang likod
sa kutsong malambot
Nagbabasa
humahanga sa mga
linya
ng tula
ng mga Atenista.


Samantala.....


Nasa kabilang bakod
siya.
Pawisan,
nakikipag-taguan;
nagmumura; 
umaawit sa tinig
ni Sheryl Cruz.

No comments:

Post a Comment

Let me know your thoughts!